iOrbix
Email
Password
 

Ina Isa Kang Dakila by: O.B.S.

Sa kahaba-haba man ng panahong ikaw ay naghihirap,

Pinalaki mo kaming puno ng pagsisikap.

Mga pagsubok at tinik sa daanan mo'y buong tapang mong hinarap,

Sapagkat kaginhawaan at aming magandang kinabukasan ang lagi ninyong hanap.



Buhat nang kami ay mga musmos pa lamang,

Iginapang mo kami nang buong lakas at tapang.

Pawis, pagod at hirap man ay iyong naranasan,

Balewala sa iyo. 'pagkat kami'y iyong mahal.



Lumipas ang napakahabang panahon,

Hirap ka parin kung paano kami maiahon.

O Ina, ikaw ang aming inspirasyon,

Nang sa hirap ng buhay, kami ay bumangon.



Ina, isa kang dakila,

Nagmamahal sa amin nang walang pagsasawa,

Sa iyong ilaw na nagsisilbi naming gabay,

Ang aming lakas at aming kaagapay.



Minsan man ay nabigyan kayo ng sakit ng ulo,

Sa panahong isip n'yo ay gulong-gulo,

Ni hindi man namin natanto,

Ang bigat at sakit na nagpapahirap sa iyo lalo.



O Ina, isa kang dakila,

Na sa amin ay nagsisilbing tala,

Sa araw man ay hindi makita-kita,

Sa kadiliman naman, ay ikaw ang tinitingala.



O Ina, tulad mo ri'y isang buwan,

Nasa itaas na't sa ami'y nakaabang.

Ulan man, o, bagyo ang madalas mong kalaban,

Lagi ka pa ring nandiyan hanggang sa kinaumagahan.



Sa gabi at madilim, habang kami'y naglalakbay,

Ilaw mo'y nakahanda at nagsisilbi naming gabay.



Taos pusong pasasalamat para sa iyo Nanay,

Hindi namin ito malilimutan habang kami ay nabubuhay.
 
Comments
1-3 of 3
1
 
hapi mothers day to all of dm........
 
 
hehe..wala lang ..heartily dedicated to my mother..!
 
 
para asa man ni? mag tula na diay mo sa english?.....hehe jwk
 
1-3 of 3
1
Ina Isa Kang Dakila by: O.B.S. | Oshin Sumobay | iOrbix
JavaScript is disabled on your browser.
iOrbix won't work properly if your browser doesn't have JavaScript enabled.
Please enable JavaScript, or alternatively, access iOrbix Mobile.